Thursday , May 15 2025
Robin Padilla

Sen Robinhood namigay ng Pamasko sa mga movie worker 

I-FLEX
ni Jun Nardo

PINASAYA ni Sen Robin Padilla ang movie workers lalo na ‘yung mga stuntmen at maliliit na manggagawa noong Huwebes.

Sa pakikipagtulungan sa DSWD, nag-abot ng cash na sa bawat isang beneficiary ng DSWD kalinga project. Hindi maliit na halaga ang ibingay sa lahat ng qualified beneficiaries noong umagang ‘yon pati na ang ilang members at vlogers ng entertainment industry.

Hindi man nakarating si sen Robin, present naman ang kapatid niyang si Rommel Padilla who’s working for him now, fight instructor na si Val Iglesias, at radio host na si Rey Langit.

Naging mahigpit man sa requirements ang DSWD, isolared cases naman ‘yung hindi nabigyan dahil hindi maayos ang  requirements. Eh may Christmas ayuda pa na naka-schedule sa Lunes sa isang Lugar sa QC kaya ‘pag naayos ang papeles ay puwede silang pumunta at makuha ang regalo ng DSWD thru senator Robin.

Maraming-maraming salamat, Sen Robin at marami kayong napaligaya ngayong Pasko! Merry Christmas!

About Jun Nardo

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …