COOL JOE!
ni Joe Barrameda
BUKOD sa pagiging top-rating at trending gabi-gabi, award-winning na rin ang GMA primetime series na Maria Clara at Ibarra.
Sa first-ever Gawad Banyuhay 2022 na mula sa Dr. Carl E. Balita Foundation, pinarangalan ang serye ng Programang Pang-edukasyon. Mismong si Binibining Klay (Barbie Forteza) ang personal na tumanggap ng award noong December 12 sa Manila Hotel.
Ang Gawad Banyuhay ay kumikilala sa mga indibidwal o grupo na nagsisilbing magandang halimbawa at inspirasyon sa ibang tao sa pamamagitan ng iba’t ibang serbisyo o gawain. Talaga namang dasuurvvv ng Maria Clara at Ibarra ang mas marami pang pagkilala!
Congratulations, mga Kapuso!