Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joey de Leon My Teacher Toni Gonzaga Paul Soriano

Joey pagpipinta at pagsusulat ang pinagkaabalahan noong kasagsagan ng pandemic

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

NAALIW naman kami kay Joey de Leon nang makipagtsikahan ito sa preskon ng My Teacher kasama sina Toni Gonzaga, Carmi Martin at marami pang iba. 

Sa tagal ng panahon dahil sa pandemic ay nakulong sa bahay si Joey at ang mag-painting at magsulat ang pinagkaabalahan niya although lumalabas sila dati sa Eat Bulaga via zoom komo seniors na sila ni Tito at Vic Sotto.

Pero ngayong unti-unti nang bumabalik sa normal ay nakakapag-live na sila sa Bulaga.

Sa pelikulang My Teacher ay magkasama sila ni Toni na dati ay kasama niya sa Eat Bulaga noong early years pa ng aktres sa showbiz. Kaya hindi tinanggihan ni Joey si Toni . Baby daw kasi nila si Toni noon sa Bulaga at masakit sa kalooban ni Joey ang paglipat nito.

Ang My Teacher ay mukhang magaang panoorin na makakapag-relax sa mga manonood at kasama pa sa movie ang magsing-irog na si Ronnie Alonte at Loisa Andalio. Ang asawa ni Toni na si Paul Soriano ang director ng movie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …