SA patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa kriminalidad, nadakip ang siyam na indibidwal kabilang ang ang isang nakatalang most wanted sa lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 12 Disyembre.
Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang tatlong suspek na sangkot sa ilegal na droga magkakahiwalay na anti-illegal drug operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Plaridel MPS at San Miguel MPS.
Kinilala ang mga suspek na sina Bernie Rafael alyas Nornok; Arsenio Gregorio III alyas Joar; at Marvin Villena, kung saan narekober mula sa kanila ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu, coin purse, at buybust money.
Samantala, arestado si Linda Caral ayas Lin ng lungsod ng Caloocan sa kasong Theft (Shoplifting) na naganap sa SM Hypermarket, SM City Baliwag kung saan nakumpiskahan siya ng isang lata ng Ensure Gold (1600g) milk na patago niyang inilagay sa kanyang eco bag.
Nasakote rin ang limang kataong pinaghahanap ng batas kabilang ang isang nakatalang most wanted sa bisa ng warrant of arrest sa iba’t ibang manhunt operations na inilatag ng tracker team ng mga himpilan ng pulisya ng Calumpit, Hagonoy, Norzagaray, Pulilan, Calumpit, Rizal MPS-NEPPO, mga elemento ng 1st PMFC at 301st MC, RMFB3.
Kinilala ang MWP na si Robert Lajum, Top 8 Most Wanted Person sa Municipal Level ng Rizal MPS, Nueva Ecija at residente ng Villa Paraiso, Rizal, Nueva Ecija, na inaresto para sa kasong paglabag sa Sec. 5(b) ng RA 7610 (Lascivious Conduct).
Samantala, inaresto ang apat na iba pang wanted persons para sa mga kasong Frustrated Homicide; Theft; Serious Physical Injuries; at paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children). (MICKA BAUTISTA)