Friday , November 15 2024
Stab saksak dead

Sa Batangas
LALAKI NAG-AMOK MAG-UTOL NA TANOD PATAY SA SAKSAK

PATAY ang dalawang barangay tanod na pinaniniwalaang magkapatid nang umawat sa isang lalaking naghahamok ngunit sila’y pinagsasaksak hanggang malubhang nasugatan sa Brgy. Bilogo, lungsod ng Batangas, nitong Linggo ng gabi, 11 Disyembre.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktimang sina Ruben Torino, 52 anyos, at Robinson Torino, 50 anyos.

Ayon sa ulat, sinubukang awatin ng mga biktima ang nagwawalang suspek sa Purok Uno na kinilalang si Reinaldo Barangas, 48 anyos, dating sriver, residente sa Sitio Silangan, Brgy. Dumantay, sa nabanggit na lungsod.

Imbes magpaawat at sumuko, pinagsasaksak ni Barangas ang mga umaawat na tanod.

Nagawang bumunot ng baril ng nakatatandang si Ruben upang paputukan ang suspek ngunit mabilis na nakatakas patungo sa direksiyon ng Brgy. Paharang East.

Nagawa pang madala sa pagamutan ang mga biktima kung saan sila idineklarang dead on arrival.

Samantala, nagkasa ang pulisya ng manhunt operation laban sa suspek.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng bala ng caliber 9mm at caliber 9mm baril.

About hataw tabloid

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …