Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiray Celis Jovit Baldovino

Kiray naglabas ng saloobin sa pagkamatay ni Jovit

MA at PA
ni Rommel Placente

SA pamamagitan ng kanyang Facebook account, naglabas ng saloobin si Kiray Celis nang malaman niya ang naging dahilan ng biglaang pagpanaw ng singer na si Jovit Baldivino.

Ayon sa resulta ng isinagawang CT scan kay Jovit, nagkaroon ng blood clot, o bara sa kanyang utak, o ang tinatawag na brain aneurysm. Ilang araw din umanong na-comatose ang singer.

Batay sa ulat, sa kabila ng kanyang karamdaman, um-attend pa rin si Jovit sa isang Christmas party at nag-perform. 

Tila binalewala rin umano ng singer ang payo sa kanya ng doktor na magpahinga muna dahil ayaw niyang mapahiya sa mga nag-imbita sa kanya.

Todo perform pa rin si Jovit kahit may iniindang karamdaman hanggang sa nag-request pa nga ang audience sa dinaluhang party.

Dahil dito, kumanta pa uli si Jovit para pagbigyan ang audience kabilang na ang Faithfully na naging signature song na niya matapos tanghaling champion sa Pilipinas Got Talent ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Makalipas ang ilang sandali matapos ang kanyang performance, may nakakita kay Jovit na parang na-deform na raw ang itsura at tumutulo na ang laway habang nakaupo. Agad naman siyang isinugod sa ospital ng ilang nasa event.

At nang malaman nga ang nangyari kay Jovit, nag-post si Kiray sa kanyang Facebook account ng saloobin. 

FB post ng komedyana, “Pinagbawalan na pala si Jovit kumanta, pero may mga nag-request kaya ginawa niya. Hirap rin po talagang maging performer o artista…

“Kapag tumanggi ka sa gusto nila, mayabang o nagbago ka na.

“‘Yung kahit malungkot ka, dapat masaya ka sa paningin nila.

“Kahit antok ka dapat hyper ka sa kanila.

“Kahit gutom ka dapat nakangiti ka pa rin.

“Kaya sana intindihin n’yo rin po na tao lang rin kami. Artista man o hindi, lahat po tayo may problema.

“Lahat tayo may pinagdadaanan sa araw araw. Kaya piliin natin umunawa. Piliin nating maging mabait,” paalala pa ni Kiray.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …