Sunday , December 22 2024

Ang aginaldo ng BJMP sa PDLs

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

MARAHIL kung tatanungin natin ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) na nasa pangangalaga ng Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD) na pinamumunuan ni Warden JSupt. Michelle Bonto, kung ano ang pinakamagandang regalo na kanilang natanggap ngayong nalalapit na Pasko ay iisa lang ang kanilang isasagot. Ano iyon?

Ang makakapiling muli ang kanilang mga mahal sa buhay, asawa, anak, at kapatid. Ganoon ba? Paano mangyari iyon e, nariyan pa ang COVID 19?

Totoo, nasa ilalim pa ng pandemya ang bansa o ang buong mundo pero malaki na ang ipinagbago — malaki na ang ibinaba ng antas ng nahahawaan ng nakamamatay na virus bunga ng pagbabakuna ng nakararami.

Dahil dito, sa unang pagkakataon, makalipas ang halos tatlong taon, nais ibalita ni Bonto ang good news sa kaanak ng mga PDL na ipinagkatiwala sa kanya, ngayong Pasko ay makakapiling na nila ang kanilang mahal sa buhay na nakakulong sa QCJMD.

Yes, makalipas isailalim sa lockdown noong Marso 20, 2020 dahil sa pandemya ang lahat ng piitan na nasa ilalim ng BJMP kabilang ang QCJMD, sa wakas ay binuksan ng QCJMD ang kanilang pintuan para sa

face-to-face contact visitation. Kagandang pamasko naman niyan.

Opo, maaari nang makapiling, mayakap at makausap nang walang sagabal, ng mga PDL ang kanilang mga mahal sa buhay. Salamat BJMP… at salamat po Panginoong Diyos.

‘Ika nga ni Supt. Bonto…“The long wait is finally over for the QCitizens who dreamt of the day where they can finally hear, see, and personally hold hands with their love ones in jail.”

Simula ngayon, Disyembre 13, 2022, umpisa na ang regular F2F Contact Visitation. Ibig sabhin, tuloy-tuloy na ito hindi lang hanggang Pasko…Ops teka, kasama na ba ang “conjugal visitation” dito? Hehehehe…hindi pa raw ayon kay Warden. Darating din iyan, huwag lang mainit este mainip ha.

Bagamat, nitong mga nakalipas na araw, isinagawa naman ang first day of dry run para sa F2FCV…Dec 6, 7, 8, 10 at 11. Naging matagumpay ang pagsubok pero siyempre, naging limitado muna ang bilang ng bisita — hanggang 75 bisita lang. Ano pa man, naging successful ang dry run dahil sa kooperasyon ng lahat, bisita, PDL at jail personnel… at higit sa lahat ay dahil sa good leadership ni Warden Bonto.

Tulad nga ng nabanggit, ngayong December 13, Martes, umpisa na ang regular  F2FCV… at ang isa sa good news pa rito ay hanggang 125 bisita kada araw ang maaaring makapasok sa QCJMD.

“The cap on the number of visitors was made in order to ensure that despite the problem on congestion, ample space is allotted to social distancing among different groups of PDL and family members during visitation,” pahayag ni Bonto.

E sino-sino naman ang puwedeng maging bisita ng inamtes upang makapasok sa pasilidad? Magandang katanungan iyan.

Heto ang sagot ni Warden… “among the visitors who are allowed entry into the facility are the immediate family members such as but not limited to the father, mother, spouse, sons, daughters, uncles, aunts, nephews and nieces. Priests, religious ministers, lawyers…

Sino pa Ma’am? NGOs duly accredited by the Commission on Human Rights (CHR) or any duly accredited International NGOs by the Office of the President may be allowed entry as enumerated under RA 7438 provided all jail visitors shall present valid identification cards, vaccination and booster cards.

E paano iyong hindi pa nagpapabakuna…well, sabi ni Bonto ay puwede rin dumalaw kung kinakailangan magpakita sila ng pruweba na negatibo sa COVID ang resulta ng kanilang RT-PCR Test at Antigen Test sa loob ng 72-hour validity mula sa petsa nang sumailalim sa eksaminasyon.

Sa implemantasyon ng contact visitation, may kaunting pagbabago hindi lamang sa QCJMD kung hindi para sa lahat ng piitan na nasa ilalim ng BJMP.

“In effect, there is now a newly implemented jail visitation schedule in BMP Jails nationwide, with Tuesdays, Wednesdays, Thursday, Saturdays, and Sundays as visitation days while Mondays and Fridays are allotted for disinfection of jail facilities hence, no visits shall be allowed. The face-to-face contact visit is the latest addition to the several modes of visitation implemented by the QCJMD such as the E-Dalaw and No Contact Visit,” pahayag ni BJMP Chief, JDirector Allan S Iral.

Inilinaw ng BJMP, tanging piitan na aabot sa 85% jail personnel at PDL ang nakapagpabakuna o “fully vaccinated” para sa COVID 19. Sa situwasyon ng QCJMD, ang antas ng nakapagbakuna sa personnel nito ay 100% habang 87% naman sa libo-libong bilang ng PDL dahilan para puwedeng iimplementa ang F2FCV dito.

“The Jail Bureau recognizes the importance of mental health and wellbeing of the PDL, that is why despite the challenges brought about by the pandemic, the BJMP is fully supporting the implementation of face to face contact visitation because there is no substitute to the magic of personal human interactions and we hope to help bring that magic back to our PDL especially this yuletide season of giving and caring.” pahayag ni Iral.

Kay gandang pamasko ng BJMP sa mga PDL…makakapiling na nila ang kanilang mga anak, at asawa. Salusalo uli nang harap-harapan. Nakikinita ko na ang saya sa mukha ng mga PDL gayondin sa kanilang mga mahal sa buhay. Maligayang Pasko.

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …