Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman Jake Cuenca Len Carillo Joel Lamangan Dimples Romana

Jake aminadong ‘di tipikal na pang-MMFF ang My Father, Myself — Pero napakaganda kasi ng istorya

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGKAROON na rin dati ng pelikula si Jake Cuenca na kasali sa Metro Manila Film Festival tulad ng Mission Unstapabol: The Don Identity at  Ang Panday pero hindi siya ang pangunahing bida, support lang siya sa dalawang pelikulang nabanggit.

Pero this year, na may  kasali ulit siyang pelikula sa MMFF ay siya na ang lead star, silang dalawa ni Sean de Guzman, via My Father, Myself mula sa 3:16 Media Network at Mentorque Productions.

“First time kong mag-lead for Metro Manila Filmfest, and so totoo lang, ngayon pa lang proud ako. Sobrang napaka-proud at ito rin ‘yung pelikula na pinagbidahan ko for the first time [sa MMFF]. Proud ako kasi walang takot itong pelikulang ito, eh. At the same time, I’m very much honored ‘yung first movie ko na Metro Manila Filmfest, Direk Joel Lamangan pa, napakaganda niyon for my CV, for my portfolio,” sabi ni Jake.

Ang My Father, Myself ay pangatlong pelikula na ni Jake na si Direk Joel ang humawak, at umoo agad siya pagkabasa ng script na isinulat ni Quinn Carillo.

“Oo! Mabilis ‘yung phone call, kasi nga talagang I really believe in destiny, eh, I really believe that I was destined to do this.

“Tumatawag sa akin si Direk Joel, hindi normal sa akin ‘yun, na may makita ako sa phone, may Joel Lamangan na tumatawag sa phone ko.

“Pagkasagot ko ng phone ko, five minutes talaga, sinabi sa akin ni Direk Joel ‘yung challenges, kung ano ‘yung kailangan kong gawin.

“Sinabi niya sa akin ‘yung tema ng pelikula, then I said, ‘Yes, Direk, game na ko riyan!’ Wala pang script.

“Then noong nakita ko ‘yung script, sobrang ganda, at kaya naman ‘yun din ‘yung gusto kong klaruhin.

“Hindi po siya ‘yung typical na pelikula na pang-MMFF, ‘di ba, yun naman po ‘yun, pero ang totoo po niyan, kaya siya nakapasok sa MMFF, kasi napakaganda niyong istorya,” aniya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …