Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imee Marcos Atang Paris

Sen. Imee nagritwal ng Atang sa Paris!

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

DADALHIN ni Senadora Imee Marcos ang kanyang vlog followers sa isang Parisian adventure ngayong weekend sa super back-to-back episodes na ipapakita, ang katatapos na pagbisita niya sa French capital.

Una, binisita ni Imee ang sikat na Pére Lachaise Cemetery, na libingan ng ilan sa greatest thinkers at artists ng mundo na ang ambag sa siyensiya, politika, at sining ay talaga namang nakaimpluwensiya sa Filipinas.

Doon, ginawa ng Ilocana lawmaker ang Atang – isang Ilokanong ritwal ng food offering upang mapalayas ang masasamang espiritu – nagbigay din siya ng alay para sa mga yumaong icons na nakalibing sa Pére Lachaise.

Binisita ng Senadora ang mga puntod ng Italian composer na si Giochino Antonio Rossini na kilala para sa kanyang operas at chamber music; ng architect na si Georges-Eugéne Haussmann na ama ng urban planning; ng French romantic artist na si Eugéne Delacroix; ng French novelist na si Honoré de Balzac na isa sa mga paboritong literary writers ng dating Pangulong si Ferdinand Marcos Sr.; ng French painter na si Théodore Gericault; ng American singer na si Jim Morrison; ng French playwright na si Moliére; at ng Irish playwright at poet na si Oscar Wilde.

Nagbigay din ang budget-conscious na Dakilang Ilokana ng tips kung paano i-enjoy ang City Of Lights nang hindi masyadong gumagastos sa kanyang pag-ikot sa pinakamurang vintage shops at budget-friendly restaurants at cafés ng Paris at pati na rin ang magagandang landmarks nito.

Tunghayan ang kagandanhan ng Paris sa pamamagitan ng mga mata ni Imee Marcos ngayong weekend at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …