Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arrest Posas Handcuff

Rank No. 1 MWP ng Southern Leyte tiklo sa Bulacan

INARESTO ang isang lalaking nakatala bilang Rank no. 1 most wanted person (MWP) ng Southern Leyte ng mga tauhan ng CIDG RFU 3 sa pamumuno ni P/Col. Joshua Alejandro nitong Martes, 6 Disyembre, sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ni CIDG Director P/BGen. Ronald Lee ang suspek na si Alberto Siega, 35 anyos, tubong Taglatawan, Agusan Del Sur at kasalukuyang nagtatago sa Sitio Gulod, Brgy. Sta Rosa II, sa nabanggit na bayan.

Dinakip ang suspek ng mga tauhan ng CIDG PFU Bulacan katuwang ang Bulacan PPO operating unit sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape alinsunod sa RA 7610 na inilabas at nilagdaan ni Presiding Judge Fabio Albao, Jr., ng Sogod, Southern Leyte RTC Branch 39, may petsang 26 Hulyo  2022 at walang itinakdang piyansa.

Nakapiit ang suspek sa CIDG Bulacan PFU para sa nararapat na disposisyon at dokumentasyon. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …