Monday , December 23 2024
Riding-in-tandem

Sa San Rafael, Bulacan
1 PATAY, 1 SUGATAN SA RIDING-IN-TANDEM

DEAD ON-THE SPOT ang isang lalaking sakay ng motorsiklo habang sugatan ang kanyang angkas matapos tambangan ng dalawang armadong suspek na sakay din ng motorsiklo sa bayan ng San Rafael, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng umaga, 6 Disyembre.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Isagani Enriquez, acting chief of police ng San Rafael MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga biktimang sina Edilberto Bustamante, residente sa Brgy. Marungko; at Ronnel Santos, residente sa Brgy. San Roque, parehong sa bayan ng Angat.

Ayon sa inisyal na ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono ang himpilan ng San Rafael MPS dakong 6:00 am kahapon na mayroong dalawang lalaki ang duguang nakahandusay sa bahagi ng Cagayan Valley Rd., Brgy. San Roque, sa naturang bayan.

Agad nagsadya sa lugar ang mga tauhan ng San Rafael MPS at sa isinagawa nilang pagsisiyasat ay napag-alamang ang dalawang biktima ay binaril ng dalawang hindi kilalang lalaking sakay ng isang Rusi motorcycle na naging sanhi ng agarang pagkamatay ni Santos.

Matapos ang pamamaril, kinuha umano ng isa sa mga suspek ang Yamaha Mio motorcycle ng biktima at tumakas papunta sa direksiyon ng bayan ng San Ildefonso.

Samantala, dinala ng rescue team ng San Rafael si Bustamante sa pinakamalapit na pagamutan upang malapatan ng lunas.

Narekober ng mga awtoridad sa lugar ng krimen ang isang kalibre .45 baril, basyo ng bala ng kalibre .45, at tatlong bala ng kalibre 9mm. Kasalukuyang nagsasagawa ng dragnet operation ang pulisya kasabay ng pagre-review sa mga kuha sa CCTV camera upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …