BINISITA at binigyang-pugay ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang pulis na napatay sa anti-drug operation sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga noong Sabado, 3 Disyembre.
Inalalayan ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen ang hepe ng pambansang pulisya sa paghahatid ng kanilang pakikiramay at pag-aabot ng tulong pinansiyal sa pamilya ni P/SMSgt. Sofronio Capitle, Jr., sa isang punerarya sa lungsod ng Caloocan.
Pahayag ni P/Gen. Azurin, magpapatuloy ang pulisya sa pakikibaka sa lahat ng uri ng kriminalidad at maglulunsad ng maraming operasyon dahil ang PNP ay nakatuon sa katahimikan at kaayusan ng komunidad sa partikular, at sa buong bansa sa kabuuan. (MICKA BAUTISTA)