Friday , November 15 2024
Motorcycles

Bata isinasama sa pagnanakaw
MAG-ASAWA TINUTUGIS SA ‘MOTORNAPPING’

KASALUKUYANG pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang babae at isang lalaki na may kasamang bata nang tangayin ang motorsiklo ng isang residente sa bayan ng Sta. Maria, sa lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 4 Disyembre.

Kinilala ang may-ari ng ninakaw na motorsiklong si Degie Gisalan, residente sa Sitio Pisang, Brgy. San Jose Patag, sa naturang bayan.

Naganap ang pagnanakaw dakong 2:00 pm kamakalawa sa harap ng SMAXS Sta. Maria habang nakaparada sa harap ng establisimiyento ang motorsiklo ng biktima.

Nakunan ng CCTV camera ang insidente, bago ang pagtangay ay nagpaikot-ikot muna sa lugar ang isang motorsiklong Suzuki  Skydrive na minamaneho ng isang lalaking naka-shorts at may malaking tattoo sa paa habang nakaangkas ang isang babaeng nakasuot ng pantulog at nakaangkas sa harapan ang isang bata.

Saglit pa ay bumaba ang babae at nilapitan ang nakaparadang motorsiklong Honda Click 125i sa parking lot ng establisimiyento, kinuha ang susi, sinakyan ito saka pinaandar at tumakas na naka-convoy sa motorsiklo ng lalaking kasama na may dalang bata.

Nabatid na ang mga suspek ay mag-asawang notoryus sa carnapping ng motorsiklo at upang hindi mahalata ang kanilang modus ay nagbibihis nang simple at dinadala ang anak sa ilegal na gawain.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Sta. Maria MPS upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mag-asawang suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …