MA at PA
ni Rommel Placente
LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na si Arjo Atayde dahil naipakilala na nito ang fiancée na si Maine Mendoza sa kanyang Lola Rose.
Sa Instagram account ni Ibyang noong Linggo, November 30, 2022, ibinahagi ni Sylvia ang masayang pagkikita para sa special dinner ng kanyang ina, kapatid, at ng kanyang soon-to-be manugang na si Maine.
Mababasa sa caption ni Sylvia (published as it is), “Maraming salamat mga anak Arjo at Maine kahit napakabusy niyo parehong dalawa. Naglaan kayo pareho ng oras para ipakilala mo Arjo si Maine kay Tita Janice, Tito Kenneth at kay Lola Rose mo.
“Napakasaya ng puso ko [heart emoji] Salamat mga anak. Truly appreciated!!! Love u both.”