ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG newbie sexy actress na si Joana David ay may buwena manong pasilip sa pelikulang Pamasahe. Ito kasi ang fist movie ni Joana at napasabak agad siya rito sa matinding love scene.
Ayon kay Joana, gumaganap siya sa pelikulang ito na pinagbibidahan ni Azi Acosta, bilang isang prostitute.
Pahayag niya, “Actually, noong una ay kinabahan ako kasi first movie ko ito, pero hindi na ako nailang pa, bagkus ay ginalingan ko na talaga. Kaya take one lang ang sex scene ko dahil sabi ni direk Roman, palaban daw ako dapat.”
Esplika ng seksing-seksing talent ni Lito de Guzman. “Si Alvaro Oteyza ang ka-love scene ko rito, ang role ko rito ay si Cindy, bale isang pokpok na ipinapadala sa barko para sa mga seaman… ako ang nagbibigay aliw sa kanila, hahaha! Quotang-quota nga ako sa kanila, e hahaha!” Pahalakhak na saad ng aktres.
Pahabol ni Joana, “Isa lang po ang love scene namin sa movie, pero sa palagay ko ay exciting po ito… bale, iba-iba ang position na ginawa namin ni Alvaro, e.”
Ano sa palagay niya ang mararamdaman ng mga makapapanood ng Pamasahe, kapag nakita nila ang mainit na love scene niya rito?
“Nasa kanila na ‘yun kung ano iisipin nila, pero trabaho lang talaga ito. Pero sa tingin ko po ay mag-iinit ang viewers at mag-e-enjoy sila, lalo na ‘yung mga mahihilig na boys, hehehe!” Masayang pakli ni Joana.
Tampok din sa Pamasahe sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Julio Diaz, Rash Flores, AJ Oteyza, Chadd Solano, Shiena Yu, Shirley Fuentes, at marami pang iba.
Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez, Jr.