Friday , November 15 2024
Bongbong Marcos Santa Claus Malacañang

FM Jr., nag-Santa Claus sa 600 bata sa Malacañang

MAY 600 batang nakatira sa mga komunidad sa paligid ng Malacañang complex sa San Miguel, Maynila ang  tumanggap ng mga aginaldo mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., sa Malacañang kahapon ng umaga.

May temang “Balik Sigla, Bigay Saya,” pinangunahan ni FM Jr., ang nationwide gift giving activity sa Kalayaan Grounds sa Malacañan Palace, kasama si First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Sa kanyang talumpati, binati ni FM Jr., ang mga bata ng isang Maligayang Pasko at sinabing inilunsad ang aktibidad upang matiyak na ang bawat bata ay mararanasan ang pagdiriwang ng kapaskuhan.

“Napakasaya talaga at hindi kompleto ang kahit anong Pasko kung hindi natin nakikita ang ngiti at tuwa ng ating mga anak, ang ating mga apo, ang ating mga kabataan,” aniya.

“This is a very, very happy day for me dahil tradisyon ito dati pa, dito sa Palasyo. Gumagawa kami ng children’s party ‘pag Pasko para naman lahat nakasiguro tayo lahat ng ating kabataan sa buong Filipinas ay merong Pasko, may konting party, may konting gift-giving, may konting palaro, at lahat ‘yan,” dagdag niya.

Sabay-sabay na ginanap ang aktibidad ng pagbibigay ng regalo sa halos 40 lokasyon sa buong bansa.

Ang mga regalong natanggap ng mga bata ay ibinigay ng mga pribadong negosyo, at mga ahensiya ng gobyerno kabilang ang Office of the President, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office, at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Sa bakuran ng Malacañang, ang mga inflatables at iba pang mga aktibidad sa paglilibang ng mga bata ay itinayo.

Kinanta rin ng mga bata ang “O Holy Night” at sinamahan sila ng First Couple.

Noong Sabado, pinangunahan ni FM Jr., ang Christmas tree lighting ceremony sa Malacañang, at inihayag na nananatiling pinagpala ang mga Filipino sa kabila ng mga paghihirap na dinanas ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …