HARD TALK
ni Pilar Mateo
TUMALIMA naman ang mga naanyayahang dumalo sa ipinatawag na festive event ni Dr Michael Raymond Aragon, na siyang Chairman ng Clean Air Philippines Movement, Inc. (CAPMI) sa kanto ng Sct. Borromeo at EDSA noong Bonifacio Day.
Isyu tungkol sa climate emergency ang tinalakay ng mga naanyayahan ni Dr Mike sa nasabing okasyon.
Nakiisa rin ang celebrities na nagpahayag ng kanilang suporta sa mala-rebolusyonaryong pakikibaka at pakikipaglaban ng grupo para sa climate change.
Nagbigay ng suporta ang mga gaya nina Lance Raymundo, Chase Romero, at Ali Forbes sa pag-apila sa mga sinasabing polluters na bawasan na ang kanilang carbon footprints nang kahit paano ay makaiwas sa deadly effects ng climate change.
Ang Pilipinas ay hindi carbon polluter na bansa dahil sa pananaliksik, ang greenhouse gas emissions ay less than 1 per cent (0.03% lang) kompara sa industrialized nations na gaya ng Tsina Amerika, India at marami pa.
Ang lead convener ng multi-sector na grupo ay ang environmental watchdog na CLEAN AIR PHILIPPINES MOVEMENT, INC.
“Tayo ngayon ay nasa proseso ng paghahain ng trillion dollar class suit laban sa mga polluter countries sa buong mundo. And to hold them responsible sa lahat ng epektong idinulot nito sa climate change ng ating bansang Pilipinas,” ayon kay Olarte.
“Ang international class suit ay ihahain sa international tribunal laban sa highly industriized carbon polluter na mga bansa gaya ng Amerika, Tsina, India…to hold them legally accountable sa nging makamandag na epekto nito hindi lang sa bansa kundi sa mundo,” dagdag pa ng doktor at abogado rin.
Kaya hihingi sila ng sizable amount sa ating pamahalaan para magamit sa mitigation, adaptation, at resiliency programs.
Speaking of Ali, matagal na pala itong suporter ng climate change with Doc Mike.
“Taong 2012 pa kami magkakasama nina Doc sa mga show at ‘yan na ang pinalaganap namin. Kumbaga, pagsisimula ng isang rebolusyon gaya ng sabi niya. Na ngayon umabot na sa pag-file ng class suit.”
Nagsisimula naman ang lahat sa pagsasabuhay gaya ng pag-iwas sa paggamit ng plastic, mga munting balot ng kendi ay isine-segregate sa mga bulok at hindi nabubulok, ang pagtatanim at marami pa.
Nakatapos na pala ng isang proyekto sa Saranggola Media si Ali, ang Erotika at may sisimulan naman sa Mamay Productions, ang Lanao.