Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rey Paolo M Ortiz

Rey Paolo Ortiz, itinanghal  na Prince Tourism Universe 2022

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGKAROON ng victory presscon recently para kay Rey Paolo Ortiz dahil itinanghal siyang Prince Tourism Universe 2022. Ang naturang pageant ay ginanap sa Sabah, Malaysia.

Si Rey Paolo ang bunso nina Dra. Jen and Forensic Doc. Paul Ed Ortiz na siyang may-ari ng sikat na Ortiz Group of Skin Clinic. Ang isa pa nilang anak na present sa event, ay si King Paul.

Masuwerte sila sa pagkakaroon ng supportive na parents.

Ibinihagi ni Rey Paolo ang experience niya sa Malaysia. “It was exciting and a nice debut for a career in showbiz, over-all it was fun.

“Maybe, magiging stepping stone ko ito sa career sa showbiz,” pahayag niya.

Sino ang hinahangaan niya sa showbiz? “Sa mga aktor, si Daniel Padilla po, kasi he is really good at acting, at tama po ang emotions na ipinapakita niya,” sambit ni Rey Paolo na mayroong sariling banda at may talento sa pagda-drums. 

Incidentally, kapuri-puri ang gesture ni Rey Paolo nang ibinahagi o ibinigay niya ang half ng cash price na $2000 sa kanyang co-candidates at kalahati naman ay sa organization na sumusuporta sa Tourism Ambassador Universe.

Pinapurihan din ni Ayen Cas ng Aspire Magazine si Rey Paolo, “He is one of the most… actually he’s the most intelligent kid during the competition. He initiated and talk about the tourism which impacts the economy here in the Philippines and abroad.”

Si Ayen ang nagdala kay Rey Paolo para sumali sa naturang contest sa Malaysia.

Pinasalamatan ng Ortiz family sina Ayen Cas, Supremo ng Dance Floor and actor na si Klinton Start, at model na si Rajan Paguio na nag-train kay Rey Paolo sa Q and A, talent, at ramp modelling.

Matapos ang victory presscon, nagkaroon naman ng pagrampa sa naturang event.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …