Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sugatan sa enkuwentro 2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

Sugatan sa enkuwentro
2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

MAGKASAMANG binisita nina P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3 at P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kasabay ng pag-aabot ng tulong sa dalawang sugatang pulis na kasalukuyang naka-confine sa Bulacan Medical Center sa lungsod ng Malolos.

Pinapurihan ng PRO3 PNP at Bulacan PPO ang katapangan nina P/Cpl. Richard Neri at Pat. Aaron James Ibasco ng 3rd Maneuver Platoon, Bulacan 2nd PMFC, kapwa sugatan dahil sa tama ng bala.

Sa isinagawang police operation laban sa criminal gang sa Brgy. Maligaya, sa bayan ng San Miguel, muntik nang magbuwis ng kanilang buhay ang dalawang pulis nang buong tapang na lumaban sa mga notoryus na kriminal.

Ayon sa dalawang opisyal, ang katapangan ng dalawang pulis ay ginantipalaan ng pinansiyal na tulong at Medalya ng Sugatang Magiting. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …