Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hannah Nixon

Newbie Hannah Nixon, singing at acting pinagsasabay

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PATULOY sa paghataw ang showbiz career ng maganda at talented newbie na si Hannah Nixon.

Katatapos gawin ng dalagita ang kanyang second movie, ang Gusto Kong Maging. Unang movie ni Hannah ang Color Blind under Direk Ranze A. Cariño.

Ano ang role niya sa dalawang movies na ito?

Tugon ni Hannah, “Sa Gusto Kong Maging, ako po ‘yung crush ng main character and I have a crush on him too. Sa first movie ko naman, isa akong mean girl doon.”

Bukod sa pagiging aktres, isang singer din si Hannah. “May single po ako, itong Mahal Na Pala Kita by coach Alrey Zamora, available na po ito sa Spotify, Apple Music and all digital platforms.

“It’s about liking someone na parang kaibigan lang muna and they don’t understand ‘yung nafi-feel nila. Tapos po, later-on nang maging matured na sila, na-realize niyang mahal pala niya ‘yung guy,” esplika niya.

Ang Fil-Am na si Hannah ay desididong matupad ang dream bilang singer at aktres.

Nang makita ng kanyang parents ang potential niya sa pagkanta at pag-arte, ipinasok nila si Hannah sa several workshops para mas ma-develop pa ang talents niya.

“Acting ang mas priority ko, but I still want ‘yung singing. I mean, I want to sing and I also want to get into acting. Kasi, I enjoy ‘yung acting po talaga. Then noong grade 4 ako, I was in a competition for singing and doon mas nagkaroon ako ng confidence sa aking pagkanta.”

Dagdag ni Hannah, “Dream kong makasama someday sa isang movie, maybe ang KathNiel, idol ko kasi sila. Nag-e-enjoy ako everytime I watched their movies.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …