RATED R
ni Rommel Gonzales
DAHIL sa pagmamahal sa kanyang trabaho, masakit man sa loob niya ay hindi nakapunta si Lotlot de Leon sa The EDDYS nitong nakaraang Linggo, November 27 sa Metropolitan Theater.
Buong araw kasi na hindi puwedeng lumabas ng bahay si Lotlot noong araw na iyon dahil naka-schedule siya for a swab test the following day, Lunes.
May taping kasi si Lotlot para sa Imbestigador sa GMA ng Martes.
Kaya kahit gustong-gusto ni Lotlot na dumalo sa ikalimang taon ng The EDDYS, minabuti na lamang niya na mamalagi sa bahay.
Pero sobra-sobra ang tuwa at pasasalamat ni Lotlot sa Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEddahil sa iginawad sa kanyang parangal bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang On The Job 2: The Missing 8.
Ikalawang tropeo na ito ni Lotlot para sa nabanggit na pelikula dahil nanalo rin siya bilang Best Supporting Actress sa katatapos lamang din na Gawad URIAN nitong November 17.
Hindi ba nakatutuwa dahil sa loob ng isang buwan ay dalawang acting awards ang nasungkit ni Lotlot?
Again, to the SPEEd, kabilang na ang entertainment editor ng Hataw tabloid na si Maricris Valdez, maraming-maraming salamat mula kay Lotlot.