Friday , November 15 2024
paputok firecrackers

Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS

MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo ng paputok at iba pang pyrotechnic devices na ibinebenta sa bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Lea Alapide, Presidente ng Philippines Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng paputok ang kakulangan ng kanilang stocks bukod pa aniya sa nagtaasan ang presyo ng mga kemikal sa paggawa nito at kasabay din sa pagsipa ng presyo ng gasolina, papel at iba pang gastusin.

Kasama sa mga nagtaas ng presyo ang 16-shot aerial pyrotechnics na dating nasa P950 ay nasa P2,000 na ngayon.

Bunsod rin ito ng ipinatupad na lockdown dahil sa pandemyang hatid ng COVID-19 kinapos ng oras sa pagbili ang mga manufacturers ng paputok.

Nauna dito, matatandaang sinabi ng Pyrotechnics Regulatory Board ng Bulacan kay Gov. Daniel Fernando, na ang pagsabog noong nakaraang taon sa isang pabrika ng kemikal sa China, na pangunahing supplier ng lokal na industriya ng paputok, ay nag-ambag sa kakulangan ng mga hilaw na materyales.

Samantala, nananawagan ang mga gumagawa ng paputok partikular sa bayan ng Sta. Maria na habulin ng gobyerno ang mga online seller na walang safety training at permit. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …