Friday , November 15 2024
Sa Abucay, Bataan HVT ARESTADO

Sa Abucay, Bataan
HVT ARESTADO

MATAPOS ang dalawang-buwang surveillance, dinakip sa bisa ng warrant of arrest, ng mga anti-narcotic operatives sa pangunguna ng PDEA Bataan Provincial Office ang isang lalaking nakatala bilang isang high value target (HVT) sa bayan ng Abucay, lalawigan ng Bataan, nitong Sabado ng tanghali,  26 Nobyembre.

Kinilala ang nasakoteng suspek na si Ishad Dela Fuente, 38 anyos, residente sa Dela Fuente St., Brgy. Gabon, sa nabanggit na bayan.

Sa ulat mula sa PDEA Team Leader, si Dela Fuente ay nasa kanilang radar simula pa noong Setyembre kasunod ang tip mula sa isang concerned citizen ng nabanggit na barangay.

Nakompiska ng mga operatiba mula kay Dela Fuente ang 104 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahala ng P707,200; apat na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na tiglimang gramo at nagkakahalaga ng P24,000; at isang cellphone.

Ikinasa ang operasyon ng magkasanib na puwersa ng PDEA Bataan, PDEA Bataan Seaport Interdiction Unit, Bataan PPO-PPDEU, Abucay MPS at Bataan 2nd PMFC.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …