Friday , November 15 2024
Quezon City QC
Quezon City QC

QMC idineklarang child labor-free zone — Belmonte

KASABAY nang pagdiriwang ng National Children’s Month, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na child labor-free zone ang Quezon Memorial Circle (QMC) nitong Linggo.

Sa kanyang State of the City’s Children Report sa QMC, iginawad ni Mayor Joy Belmonte ang Seal of Child Labor-Free Zone sa QMC sa lahat ng mga nangungupahan, guwardiya, hardinero, at admin staff na sumailalim sa pagsasanay para sa Child Rights at Child Labor 101.

               “Lahat ng establisimiyento rito, walang ilegal na batang empleyado. At binuo nila ang kanilang Child Protection Policy upang agarang matugunan ang anomang report o insidente ng child exploitation,” ayon kay Belmonte.

Sinabi ni Belmonte, nararapat na ibigay ang nasabing tagumpay sa QMC dahil ito ang nagsilbing venue kung saan ginanap ang Global March Against Child Labor noong 17 Enero 1998.

“This is the historic site where our local intention to end child labor ignited a worldwide conviction that is now being shared by the nations of the world,” anang alkalde.

Bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaang lungsod na puksain ang child labor, sinabi ni Belmonte na itinatag niya ang Quezon City Inter-Agency Task Force for the Special Protection of Street Children and Child Laborers o Task Force Sampaguita.

Itinatag ito sa bisa ng Executive Order No. 41, Series of 2022, para sa pagpapaigting na puksain ang lahat ng uri ng child labor sa lungsod.

Batay sa datos, nakapagtala ang QC LGU ng higit sa 10,000 biktima ng child labor, 5,229 dito ang batang lalaki habang 4,773 ang mga batang babae na imbes pumasok sa paaralan ay nagtatrabaho sa kalsada sa lungsod.

“Hindi po tayo papayag na ang mga kabataan na dapat na nag-aaral at naglalaro ay nagtatrabaho. Lalong-lalo sa tinatawag nating worst forms of child labor. Nakikiisa ako sa mainit na panawagang wakasan ang child labor,” dagdag ng QC Mayor. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …