Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman Jake Cuenca Len Carillo Joel Lamangan Dimples Romana Tiffany Grey

Jake Cuenca napaiyak nang sabihing pang Best Actor ang acting sa My Father, Myself

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MARAMI ang pumupuri sa husay ni Jake Cuenca sa pelikulang My Father Myself, ito ay base pa lang sa teaser ng movie.

Bukod kay Jake, tampok dito sina Dimples Romana, Tiffany Grey, at Sean de Guzman. Ito ay mula sa pamamahala ni Direk Joel Lamangan.

Ang pelikulang My Father, Myself ay official entry sa 2022 Metro Manila Film Festival. Ito ay mula sa panulat ni Quinn Carrillo at under ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Kabilang din sa producers ng pelikula sina Win Salgado, Jumerlito P. Corpuz, at Nicanor C. Abad.

Gumaganap dito si Jake bilang isang closet gay na makakarelasyon ang kanyang adoptive son, played by Sean, na boyfriend naman ng anak niyang ginagampanan ni Tiffany.

Ano ang reaction niya na pinuri siya ni Direk Joel sa galing niya sa pelikulang ito?

Wika ni Jake, “Ako, I take that with the highest honor talaga, kasi ako kay direk Joel, he’s someone I really looked-up to, na talagang inirerespeto ko sa industriya.

“So, para sa akin, walang takot na idinirek ni Direk Joel ang pelikulang ito at walang takot namin na ini-arte rin.”

Pagpapatuloy niya, “So for me, talagang this is something I am very-very proud of,  kasi ay nakapakalaking challenge for all of us. Kasi, hindi madali iyong pelikula, but certainly nang natapos ang lahat, natapos ang buong pelikula ay umiiyak kaming apat.

“Kasi it was worth it, worth the effort…  It is worth going outside your comfort zone, doing things na hindi mo normal na ginagawa sa totoong buhay.”

Ano ang reaction niya na marami ang nagsasabing pang-Best Actor ang performance niya rito?

“Naririnig ko lang na sinasabi n’yo sa akin ‘yan… naririnig ko lang na pinupuri ako ni Direk Joel, naririnig ko lang na pinupuri ninyo ako, ang laking bagay na talaga sa akin niyan, kasi…” pahayag ni Jake habang gumagaralgal ang boses na senyales na pinipigil niya ang mapaiyak.

“Ano kasi, itong pelikulang ito, sa totoo lang… hindi pa ako handa talagang magtrabaho pa. I wasn’t ready to work yet…

“Pero kasi, rather than shy away from it, rather than matakot, buong puso ko siyang tinanggap. And it’s exactly what I needed in my life at that time,” aniya na this time ay nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata.

Pagpapatuloy ni Jake, “So, for me, sa totoo lang, pagkatapos ng lahat ng nangyari nitong pandemya na ito, lahat ng pinagdaanan nating lahat, makarinig lang ako ng puri sa inyo, makita ko lang kayo, maka-face to face ko lang lahat ng tao, mapuri ako ni Direk (Joel) nang ganito, malaking bagay na po sa akin iyon. Panalo na po ako roon… so, maraming-maraming salamat po.”

Tiyak na isa sa kaabang-abang na entry ngayong MMFF ang My Father, Myself, kaya hindi ito dapat palagpasin.

Kasama rin sa pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza, at Joseph San Jose.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …