ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IBANG klaseng pagrampa ang magaganap sa Dec. 28, 2022 sa Okada Manila na pinamagatang Philippine Plus Size Fashion Stream… A Fine Night Christmas. Isa itong kaabang-abang at makatuturang idea ni Ms. Josefine L. Diolata, isang 40 year old single mom, na siyang Head Organizer nito.
Ang oginal plan nito ay last 2021 pa dapat, pero dahil sa pandemic, naisakatuparan ito noong October 2022. Kabalikat ng proyektong ito sina Ms. Koko Lagunzad bilang Marketing Head at Finance Head na si Ms. Steffi Macam.
Ito’y hatid ng K & Co. Events at pamamahalaan ng actor & TV director na si Ricky Rivero.
Masasaksihan dito na hindi balakid ang timbang o size ng 14 na modelo, para gawin ang gusto nila at magkaroon ng kakaibang confidence sa kanilang sarili.
Ang 14 Plus Size Models ay binubuo nina Christine Cruz, Shyramae Cortal, Mutya Lopez, Elezze Geoca, Leigh Cinco, Hazel Conde, May Cruz, Lee Paguta, Swen Koffa, Mariam Fouad Khalil, Denice Elizalde, Ria Abril, Arabella David, at Rocy Arcon Cajandab.
Sa ginanap na press presentation sa kanila recently, nasaksihan dito hindi lang ang pagiging plus size ng mga modelo kundi pati na rin ang kanilang talento at talino sa pagsagot sa mga taga-media.
Ibinihagi ng 14 Plus Size models ang ilang karanasan nila like ang ma-bully, na ang iba, pati family and friends nila mismo ay hindi sila sinuportahan. Ngunit, ginawa nila itong inspirasyon para maging successful sa kanilang buhay at ipakita sa mga nanunuya sa kanila ang other side ng kanilang pagkatao.
Ang kanilang logo na Gold Lady ay nagre-represent ng classy and bolder woman na kayang harapin ang anumang kaganapan na mangyayari sa sinomang plus size woman.
Layunin ng Philippine Plus Size Fashion Stream na tumulong sa mga kababaihang may karamdaman sa ovaries, uterus, at breast cancer dahil sa pagiging obese o mataba.
Nililinaw din ng organization na ito na hindi nila ipino-promote ang kanilang pagsu-sustain sa appearance nila, dahil naniniwala silang health is wealth.