COOL JOE!
ni Joe Barrameda
ISANG horror movie ang Deleter na pinagbibidahan nina Nadine Lustre, Louise delos Reyes, at McCoy de Leon ang entry ng Viva sa Metro Manila Film Festival. Kaya excited ang mga artista sa darating na MMFF at gusto nilang makasalamuha muli ang fans.
Bukod diyan malaking karangalan na makatrabaho nila ang magaling na direktor na si Mikhail Red. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat nila. Napansin lang namin si McCoy parang malalim ang iniisip.
Kaya sa December25 natin mapapanood ang horror movie na ito at bakit kaya walang Shake Rattle and Roll ang Regal.