Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiko Estrada AJ Raval Angeli Khang US X HER 2

AJ, Angeli, at Kiko, nagrigodon sa US x Her ng Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPASOK sa  ibang klaseng sitwasyon sina AJ Raval, Angeli Khang, Kiko Estrada sa pelikulang US x Her na palabas na ngayong November 25 sa Vivamax.

Ang US x Her ay kuwento ng tatlong taong naging magulo at komplikado ang buhay dahil sa mga maling desisyon. Makikita rito ang isang unhappy wife, obsessed na kerida, at isang unfaithful na asawa. Magkakaroon ng existential crisis ang millennial couple na sina Mari (AJ) at Dave (Kiko) na magdadala ng problema sa buhay nilang mag-asawa. Si Mari na nasa late 20s, ay nagsisisi kung bakit mas pinili niya noon ang pag-ibig kaysa sa pangarap. Ang asawa naman niyang si Dave, na guwapo, matipuno at certified eye candy, ay nag-eexplore at nagkakaroon ng sexcapades kasama ang ibang babae.

Mas manganganib pa ang pagsasama nila sa pagdating ni Lila (Angeli). Isang magandang dalaga na sobra-sobra ang pagkahumaling kay Dave at payag na maging kerida at gawin ang lahat makuha lang ang pagmamahal nito. Gagawa si Lila ng plano para kaibiganin at mapalapit kay Mari para tuluyang sirain at guluhin ang relasyon ng mag-asawa, pero hindi inaasahang magbabago ang lahat dahil totoong mapapalapit siya kay Mari at mahuhulog pa ang loob nila sa isa’t isa.

Isa itong modern-day love story na ipakikita kung paano kayang baguhin ng pag-ibig ang tao. Piliin pa rin kaya niyang makuha si Dave o mas gugustuhin na niya ngayong makasama si Mari?

Ang Us x Her ay ang unang Vivamax Original Movie na mula direksiyon ni Jules Katanyag. Isang seasoned screenwriter at up-and-coming director ng iba’t ibang pelikula at TV series, nakuha niya ang una niyang writer-director award nang manalo siya ng Special Jury Prize sa 2016 Cinema One Originals Digital Film Festival.

Ang Us x Her ay kuwento ukol sa paghahanap sa sarili at sa totoong kahulugan ng pag-ibig. Kuwento na para sa lahat-sa iyo, sa akin, at sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …