Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Doc Michael Aragon

Dance versus Climate Change uulan ng papremyo

HARD TALK
ni Pilar Mateo

IBANG klase talaga si Dr. Michael Aragon.

Naratay man sa banig ng karamdaman at binilinan ng mga doktor niya to have complete bed rest,  hindi tumitigil ang kalikutan ng utak para ang mga plano  ay maisakatuparan pa rin.

Kaya sa Nobyembre 30, 2022, ang nabalitang concert for a cause  niya ay tuloy na tuloy.

Masasaksihan sa All TV Channel 2 ang Dance versus Climate Change (from the Philippines to the World).

Ano ang magaganap?

Kakalat ang drones sa palibot ng Scout Borromeo na roon gaganapin ang Mardi Gras na sasalihan ng mga contestant donning their beautiful costumes for about half an hour, the most.

Magsasayaw sila. P30Kna agad ang mapapanalunan ng mapipili.

May puwang din ang cosplayers. Na voluntary naman ang magiging pagsali. 

May inihanda rin si Doc at kanyang grupo na costume only contest. Kaya all you have to do eh, rumampa nang rumampa suot ang pinaka-creative mong costume. 

Uulan ng papremyong salapi sa inorganisa ni Doc na kasiyahan na may kinalaman sa pinalalaganap na niya noon pa man na Clean Air Act. Si Doc ang founding chairman ng CAPMI at KSMBPI

At ang Offshore Mining Chamber of the Philippines naman ang sponsor sa naturang pa-contest.

Sa mula’t mula  ang ninanais ni Doc at mga kasama at kasapi sa kanyang adbokasiya ay ang makapagbigay sa mamamayan para mapanatili pa ring sariwa ang  hangin sa ating kapaligiran. 

Hindi lang basta pa-contest ang ika-e-excite ng mga sasali at dadagsa sa November 30, 2022 sa kanto ng EDSA at Sct. Borromeo na gaganapin ang naturang event.

Naghanda rin ng entertainment si Doc para mapanood ng mga dadalo. At dito nga matutunghayan ang kanyang Jazz Clean Air Band. Na sasamahan ng beauty queen at aktres na si Ali Forbes at Cess Cruz na kinikilala ngayon bilang Clean Air Singing Ambassadors.

Marami pang inanyayahang mga panauhin si Doc sa espesyal na araw na ‘yun (na Bonifacio Day) kaya kung abutin man ito hanggang madaling araw o kinabukasan na sa pagsalubong sa unang araw ng Disyembre, malaking regalo na ang matatamo ng mga mananalo sa mga sasali sa mga pa-contest.

Mahigit sa kasiyahan, ang gustong matumbok ni Doc ay ang maibahagi ang kanyang adbokasiya sa pamamagitan ng isang masayang rebolusyon sa pagsasama-sama ng lahat na magko-commit para mapanatili ang kalinisan, lalo na ng nilalanghap nating hangin sa ating kapaligiran.

Sali na!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …