Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
paputok firecrackers

Kasunod ng pagsabog sa Sta. Maria, Bulacan
RANDOM INSPECTION SA MGA MANGGAGAWA, MANGANGALAKAL NG PAPUTOK INIUTOS

MAHIGIT isang buwan bago ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, ipinag-utos ni P/BGen. Cezar Pasiwen, PRO3 Regional Director, na magsagawa ng random inspection sa mga manggagawa at mangangalakal ng paputok kasunod ng nakaraang pagsabog sa Sta. Maria, Bulacan.

Ipinahayag ni P/BGen. Pasiwen, ang pakikipag-ugnayan sa local government units ay kanilang isinagawa upang matiyak na lahat ng mga kinakailangan batay sa utos ng PNP ay nasusunod bago ang pag-iisyu ng mga permit sa mga manggagawa at mangangalakal ng paputok at iba pang pyrotechnic devices upang maiwasan ang mga sakuna sa mga lugar ng pagawaaan at maiwasan ang pagkakaroon ng pinsala o pagkasawi ng mga manggagawa.

Dagdag na pahayag ni P/BGen. Pasiwen, “We will also conduct on-site inspection and confiscation of prohibited firecrackers in public markets. At the same time, we continuously appeal to everyone to refrain from using illegal firecrackers to avoid injuries. Instead of firecrackers, we could all enjoy the Holidays with other forms of merriment.” (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …