Sunday , December 22 2024

Sa isinarang Stone Kingdom sa Baguio, sino nga ba ang may pagkukulang?

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

NITONG nagdaang weekend, maraming turistang umakyat sa Baguio City ang nadesmaya sa pamamasyal sa lungsod o nabitin dahil hindi nila napasok ang isa sa nasa listahan nilang dapat makita o mapasyalan — ang Igorot Stone Kingdom.

Isinara kasi nitong Miyerkoles, 9 Nobyembre ang isa sa pinakabagong tourist attraction sa lungsod. Ipinasara ito ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Gano’n ba? Bakit?

Napakaganda pa naman ng lugar, napuntahan ko na rin ito kasama ang pamilya. Talagang mamamangha ka — animo’y nasa ibang bansa ka o para kang nasa unang panahon.

Ipinasara ni Magalong ang isa sa pinakahuling tourist attraction na matatagpuan sa Long-Long Road, Pinsao Proper dahil sa kawalan ng business permit…at sinasabing safety issues.

Ano!? Walang business permit, aba’y nakagugulat ito ha, kasi matagal-tagal na ring bukas ang stone kingdom pagkatapos ay sasabihing walang business permit. Kung hindi ako nagkakamali ay mahigit isang taon nang tumatakbo ang parke na talagang dinarayo. Estimated attendance na pumapasok sa lugar kada araw o weekdends ay 4,000 to 5,000. Ganoon kaganda ang lugar kaya napakaraming pumapasok…sa halagang P100 entrance fee ay makapapasok ka sa stone kingdom. Sulit ang entrance fee dahil sa ganda ng place…pang-Instagram ‘ika nga. Dito mo makikita ang masonry skills ng Cordillerans.

O ano, nagulat kayo mga suki sa dahilan ng pagpapasara sa lugar — wala raw business permit sa kabila na may isang taon na yatang tumatakbo ito. Correct me if ‘am wrong ha.

Hindi lang business permit issue ang nakitang violation ng stone kingdom kung hindi hinggil rin daw sa safety ng lugar…e sinasabing prone to erosion ang lugar. Ha! Basta kami noong dumalaw dito ay napuntahan ko iyong tuktok at hindi man lang pumasok sa isip ko na delikado ang lugar. Katunayan, noong Mayo 2022, sa pagpunta sa lugar ay kasalukuyang ginagawa ang pinakamataas na bahagi ng stone kingdom. Okey naman at hindi bumigay. Enjoy na enjoy naman kami at hindi sumagi sa isip namin na prone to erosion ang lugar. Matik na kasi iyan e, kaya binuksan sa publiko dahil safe sa mga magtutungo.

Ngayon, ang tanong ay…kung sinasabing walang business permit ang stone kingdom at nagpatuloy naman sa operasyon ang negosyo (bago ipasara), e sino ang masasabing may pagkukulang? Ang pamunuan nga ba ng stone kingdom o ang mga tauhan ni Magalong partikular sa city permits and licensing division?

Bagamat, ayon kay City Permits and Licensing Chief Alan Abayao, na nitong Hunyo ay binalaan na ni  Magalong ang pamunuan ng stone kingdom na asikasuhin na ang kanilang business permit…so meaning ay wala ngang permit ang establisimiyento…pero, malinaw na pinagbigyan pa rin ang stone kingdom na mag-operate habang nilalakad ang kanilang permit.

E lumipas ang apat na buwan, hayun ipinasara na ni Magalong dahil nga wala pa rin permit. Ibig bang sabihin nito ay hindi inasikaso ng pamunuan ng stone kingdom ang kanilang permit? I doubt na hindi nila inasikaso ito…malamang ay inasikaso nila ito. Pero ano kaya ang dahilan ng pagkaantala? Ops, ayaw ko pong humusga. Kayo na ang bahalang mag-isip.

Heto pa ang ipinukol na isa sa dahilan ng pagpapasara — geologically unstable raw ang lugar. Prone to erosion daw ito ayon sa Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Ano ba iyan, ba’t ngayon lang ninyo sinasabi? Aba’y hindi naman lingid sa kaalaman ng DENR ang desenyo ng stone kingdom.

Ano ba talaga ang tunay na dahilan sa pagpapasara? Wala ngang business permit e, at prone to erosion nga raw. Well, ano pa man,  tama lang ang hakbangin ng alkalde. Binigyan na nga raw ni Magalong ng pagkakataon para lakarin ang kanilang permit pero…hindi raw ito inasikaso at sa halip ay pulos pagpapaganda sa lugar daw ang ginawa. Hindi nga ba talaga inasikaso ng pamunuan ng stone kingdom?

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …