Monday , December 23 2024
Chris Wycoco

Gawad America awardee na si Chris Wycoco pwede ihilera kina Luis, Robi, at Billy

FROM rags to riches. Ito ang kasabihang akmang-akma kay Christopher Wycoco, isang matagumpay na Pinoy businessman na may opisina sa Dallas, Texas. Pero bago naabot ni Chris ang tagumpay na ito, marami siyang pinagdaanan.

Actually pang-MMK at Magpakailanman ang istorya ng buhay ni Chris. Marami siyang pinagdaanan simula pagkabata. Hirap ng buhay na aakalain mong pangpelikula pero nangyayari sa totoong buhay. At ang hirap na ito’y naging baon niya para abutin ang pangarap.

Nakapagtayo siya at ang kanyang business partner ng sariling tax company, ang Virtual Tax and Bookkeeping Company, Wycotax LCC noong 2015. Pero bago ito, isang Registered Nurse si Chris at nagtrabaho muna sa St. Luke’s Medical Center sa loob ng dalawang taon bago nagtungo ng Amerika.

Kuwento ni Chris nang makatsikahan namin ito sa Limbaga 77 Cafe Restaurant, bata  pa lang siya’y kung ano-ano na ang ibinebenta niya para magkaroon ng dagdag kita.

Nariyang nagbenta siya ng cellphone, mga pagkain para lamang matustusan ang pangangailangang gamot ng kanyang kambal na may mental disorder.

“Sa edad 14 nagbebenta na ako ng kung ano-ano para makabili ng gamot ng kapatid ko,” kuwento ni Chris na dahil sa may pangarap, sipag at lakas ng loob, nagtagumpay  siya. 

At hindi natigil ang pagiging negosyante niya dahil kahit nagtatrabaho na siya sa St Lukes, siya ang nagbebenta ng mga pagkain sa mga kasamahan niya roon kahit pa ilang beses na siyang nahuli at nasabihang itigil ang ginagawa dahil ipinagbabawal iyon sa ospital. 

Kahit nabigyan na ako ng memo, sige pa rin ako. Nakakahanap ako ng paraan. Nariyang gawin kong tindahan ang locker ko, ‘yung bag ko at talagang maganda ang naging kita ko sa mga kasamahan ko. Bukod sa mga tsitsirya, ‘yung mga request nilang food ang dinadala ko at ibinebenta sa kanila,” nakatutuwang pagbabahagi ni Chris.

At kahit matagumpay na si Chris, hindi siya nakalilimot tumulong. Kakabit na yata kay Chris ang pagtulong, hindi lang sa kanyang pamilya kundi maging sa ibang tao. Sa totoo lang, gusto niyang mag-produce ng pelikula para makapagbigay-trabaho sa mga nawalan lalo iyong naapektuhan nang kasagsagan ng Covid pandemic.

Handa ring magbahagi si Chris ng ilang pamamaraan kung paano mahahawakang mabuti ang ating kinikita. After all dyan siya expert. Stable financially na si Chris sa ngayon at marami siyang natutulungang Pinoy here and abroad sa pagbibigay ng trabaho via online jobs. 

Samantala, naibahagi rin ni Chris na binigyan siya ng pagkilala bilang Best Dressed Gala Awards kamakailan na ginanap sa Manila Hotel. At sa November 19 gagawaran siya bilang Filipino American Business Person of the Year 2022 ng Gawad Amerika.

Nakakatutuwa ang tulad ni Chris na sa edad 39 malayo na ang narating at handang ibahagi at tumulong sa kapwa niya Pinoy. Sabi nga ni Tita J (Jobert Sucaldito) puwedeng ihilera si Chris kina Luis Manzano, Robi Domingo, Billy Crawford dahil sa galing nitong magsalita. Fluent kasi ito sa Tagalog at English. Pwede siyang talkshow host o events host.  

So ‘wag magtaka kung isang araw, biglang bubulaga ang isang Chris Wycoco sa industriya natin. (MVN)

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …