ni Ed de Leon
IYONG politician na nagkaroon ng “kaugnayan” sa isang male star nang ilang panahon din ay umaasa palang mailalagay sa isang mataas na posisyon sa gobyerno, kahit na siya ay unpopular sa mga tao.
Antipatiko kasi ang dating niya.
Ang nagkuwento naman sa amin niyan ay isang dating indie actor na kinuha pala niya para magtrabaho sa kanyang office ngayon.
Ewan kung talaga ngang “nagtatrabaho” lang iyon doon. Malalaman natin kung magwawala ang misis niya.
Mabait naman daw ang politician, kahit na antipatiko nga ang image. At ang balita nga ay “mahusay mag-alaga,” kaya kahit na iyong male star na may asawa na, iniwan ang asawa nang hawakan ng politician eh.