GANAP nang naisabatas ang RA 11929, may titulong “An Act Converting the Municipality of Baliwag in the Province of Bulacan into a Component City to be known as the City of Baliwag” noong 30 Hulyo 2022.
Nagtakda ang Commission on Elections (Comelec) ng plebisito para pagtibayin ang kombersiyon ng munispyo ng Baliwag sa isang component city na tatawaging lungsod ng Baliwag sa 14 Enero 2023.
Dahil dito, todo ang pangangampanya at paglilibot sa mga barangay ni Baliwag Mayor Ferdie Estrella upang himukin ang kanyang mga kababayan na ipanalo ang ‘Yes’ para maging component city ang kanilang bayan. (MICKA BAUTISTA)