Sunday , April 13 2025
SINEliksik GUILLERMO ANG HANDOG NA OBRA Andrew Alto De Guzman

4th SINEliksik dinomina  <br> “GUILLERMO: ANG HANDOG NA OBRA” NAGKAMIT NG APAT NA GANTIMPALA

NAGWAGI ng apat na pangunahing gantimpala at nag-uwi ng kabuuang P170,000 premyo ang dokumentaryong “Guillermo: Ang Handog ng Obra” sa ika-apat na SINEliksik Bulacan Docufest and Docu Special na ginanap sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan.

Nagwagi ng Best Documentary Film, Best Research, Best Cinematography, at Best Editing ang dokumentaryo na itinampok ang buhay sining ng National Artist for Visual Arts na si Guillermo Tolentino sa Araw ng Parangal.

Matapos matanggap ang gantimpala, ipinahayag ng direktor ng dokumentaryo na si Andrew Alto De Guzman mula sa bayan ng Pulilan, ang kanyang pasasalamat at ayon sa direktor ay mahalagang tama, maganda, at kaaya-ayang panoorin ang kanilang mga nililikhang dokumentaryo.

“Gagawin namin ang pelikulang ito hindi dahil gusto naming manalo, gagawin namin ang pelikula dahil gusto naming bigyan ng katarungan ang malaking kontribusyon ng Bulakenyo, pambansang alagad ng sining na si Guillermo sa kasaysayan ng eskultura sa Filipinas. Sana po ay lagi nating maalala si Guillermo sa kanyang mga iniwang pamana,” aniya.

Kabilang sa iba pang mga nanalo ay ang “Kol Antonio Buenaventura: Musika para sa Bayan” na nagwagi ng dalawang gantimpala at nag-uwi ng P70,000 kabilang ang mga gantimpalang Special Jury Prize at Best Sound Design; at “Maesto Kanor: A Filipino Genius in Music” na nagwagi ng gantimpala na Best Documentary Script na may halagang P20,000.

Samantala, sa mensahe ni Gob. Daniel Fernando na ibinahagi ni Atty. Nikki Manuel Coronel na siyang kumatawan sa gobernador, ang pagkilala sa tungkulin ng mga artistang Bulakenyo sa pagpapayaman ng kultura at pamana ng lalawigan.

“Isang napakalaking karangalan po ang mapabilang sa dakilang liping kanilang pinagmulan. Sila ay malaking inspirasyon na dapat lamang tularan ng kasalukuyan at susunod pang salinlahi. Gamit ang kanilang angking husay sa iba’t ibang larangan ay nakapag-ambag sila ng magagandang pagbabago sa ating lipunan,” pahayag ni Atty. Coronel.

Kabilang sa iba pang lumahok sa SINEliksik Bulacan Docufest ang mga dokumentaryong “Buhay at Pag-ibig ni Francisco Balagtas” at “Ang Nawawalang Tinig ng Sirena” na parehong nag-uwi ng consolation prize na P10,000. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …