Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sing Laugh with Mojack Red Dragon Express

Sing & Laugh with Mojack, A dinner Concert, gaganapin sa Red Dragon Express

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULING hahataw sa entertainment scene sa Amerika ang versatile na singer/composer/comedian na si Mojack.

Ito’y sa pamamagitan ng Sing & Laugh with Mojack, A Dinner Concert na magaganap sa darating na December 3, Saturday, 7pm onwards. Ang venue ay sa Red Dragon Express, 14930 Perris Blvd, Cs 825553.

Nagkuwento ng ilang patikim sa kanyang show si Mojack.

Aniya, “Sa mga kakantahin ko po, asahan nila na nandyan ang mga kanta ni Blakdyak tulad ng “Noon at Ngayon” “Inlab” “Hayop Na Combo” “Good Boy” at ang Triple platinum nyang “Modelong Charing” from the original na kantang Bikining Itim.

“Ito po ay gaganapin sa ikatlo ng Disyembre 2022 sa Red Dragon Express po gaganapin sa oras ng alas 7:00 ng gabi po. Ito po ay araw ng Sabado.

“Dito po ay solo lang po ako na walang guest, sa dahilang gusto ng karamihan na makita ang aking estilo ng pagkanta at pagpapatawa, at sa halagang $40 dollars po lamang, kasama na po ang hapunan dito.”

Pagpapatuloy ng talented na entertainer, “Wala pong producer at direktor dito, kundi kami po ang nagtulong-tulong para mabuo ang konsiyertong ito kasama ang may-ari ng Red Dragon na si Miriam at Kuya Jay, ang kaibigan nila and very supportive kong pinsan na si Rosalyn Saria, at ang mabait na DJ na si DjMastershock.

“Nakatutuwa ang mga kababayan nating Filipino dahil suportado nila ang nalalapit ko ngang pagtatanghal at maraming nagpapareserba na ng kanilang mga tiket, kahit malalayo po sila.”

“Gabi po ito ng kantahan at katatawanan and yes kuya, two hours show po ito and after ng primetime ko, they can do a sing a long po. So, sa mga mahilig kumanta ay puwede po silang kumanta,”  pahayag ni Mojack.

Si Mojack ay isang multi-awarded na entertainer na lumabas din sa pelikula at nakagawa ng ilang single.

Nakilala rin noon si Mojack bilang impersonator ni Blakdyak dahil maituturing na mentor niya ito at isang matalik na kaibigan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …