Friday , November 15 2024
Academia de Pulilan

Unang nag-alok ng F2F classes
PRIVATE SCHOOL SA BULACAN NAGPALAWAK NG OPERASYON

PINALAWAK pa ang kanilang operasyon ng isang pribadong paaralan sa Bulacan na unang nag-alok ng limitadong face-to-face classes noong panahon ng pandemya.

Ayon kay Rosalinda Guiao, school principal ng Academia de Pulilan, ang kanilang paaralan ay nagawang magpalawak ng operasyon sa taong ito sa kabila ng pandemic situations na naranasan ng bansa sa loob ng nakaraang dalawang taon.

Nitong nakaraang Biyernes, 4 Nobyembre, pinasinayanan ang ekstensiyon ng Academia de Pulilan sa Brgy. Paltao matapos tumaas ang populasyon ng kanilang mga estudyante sa mahigit 1,100 mula sa orihinal na bilang na 500.

Itinatag ang nasabing paaralan noong 2002 at itinayo sa Brgy. Cutcot at kalaunan ay nakuha ng City School Holdings International Dubai noong 2012, ang unang school campus na nakuha nito sa Filipinas.

Ayon kay Mamoona Hassan, regional manager para sa Southeast Asia ng City School Holdings International Dubai, sinabi ng kanilang chairman na para sa kanila, ang edukasyon ay “pursuit that goes far beyond a qualification,” kaya tiniyak nila sa kanilang mga guro, mga staff, at estudyante gayondin sa mga magulang, magtulungan sila upang makamit ang mithiing ito.

“We are hoping that we can expand our quality education to other school campuses in the Philippines in the future,” dagdag ni Hassan. (MICKA BAUTISTA).

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …