Friday , November 15 2024
3 tiklo sa ilegal na pagawaan ng paputok
INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad ang tatlong suspek na naaktohang gumagawa ng mga paputok nang walang permiso sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan, nitong Sabado, 5 Nobyembre. (MICKA BAUTISTA)

3 tiklo sa ilegal na pagawaan ng paputok

ARESTADO ang tatlo katao matapos maaktohang gumagawa ng paputok nang walang kaukulang permiso sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Tandang Sora St., Green Breeze 1 Subd., Brgy. Pulong Buhangin, sa bayan ng Sta.Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 5 Nobyembre.

Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Christian Alucod, hepe ng Sta. Maria MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang mga suspek na sina Manuel Yturralde, Anthony Lucero, at Clinton Mistiola, pawang mga residente sa Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Nakuha sa mga suspek bilang ebidensiya, ang apat na bundle o  500 rounds ng sawa, isang sako at isang kahon ng 5-star,  10 piraso o 1000 rounds ng sawa, kalahating sako ng hindi pa tapos na sawa at 5-star, isang bundle ng materyales na papel, isang bundle ng mitsa, at 40 piraso ng higad.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices) ang mga suspek na inihahanda nang isampa sa korte. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …