Friday , November 15 2024
Jomari Yllana Paeng Nodalo Memorial Rally

Jomari sasabak sa Paeng Nodalo Memorial Rally, aarangkadang muli sa acting

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MULING aarangkada ang veteran actor na si Jomari Yllana sa racing circuit. Si Jom ang nasa likod ng gaganaping Paeng Nodalo Memorial Rally sa November 5-6 sa Subic Bay Freeport.

Magsisilbi itong tribute kay Paeng Nodalo, isa sa mga haligi ng motorsports sa bansa, na nasa likod ng sikat na Mabuhay Rally.

Si Jom na nasa ikatlong term bilang konsehal ng Parañaque ang unang Filipino na naka-score sa podium finish sa Yeongam International F-1 circuit sa South Korea noong 2014. Isa rin siya sa top three winners sa Super Race Round 8 Championship, Accent One category na binubuo ng mga top racer mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang kanyang racing team na Yllana GTR ay ang unang Filipino racing team na nanalo sa naturang event.

Nagsimula ang pagkahilig ng aktor sa car racing nang sumali siya sa Toyota Team Tom’s noong huling bahagi ng dekada ‘90. Ang stint niyang ‘yun ay humantong sa kasiyahan niya habang nagmamaniobra sa mga high-speed drive sa Batangas Racing Circuit at Clark International Speedway.

“It’s a very competitive sports. Kapag sinabing karera, iba e,” saad ni Jom na humarap sa media kasama ang GF niyang si Abby Viduya.

Aniya, “Iba itong rally event, totally different sa kung ano ang ginagawa ko in the past. Ito time trials, mountainous area… Subic Naval Magazine ‘yung location, tatlong daylight na stages and then pitong night stages naman. Mag-i-start kami ng hapon at matatapos madaling araw kinabukasan kaya it involves a lot of preparation.”

Ipinahayag ni Jomari, open sa lahat ang kanilang memorial rally. Ini-encourage niyang sumali sa sanctioned ng official racers ang mga mahihilig sa karera. “Huwag na tayong kumarera sa kalye, tigilan na natin ang mga dangerous stunt sa kalye na napakadelikado. I encourage lalo na ‘yung mahihilig na kabataan to go to a motorsports pero pasukin nila ‘yung level ng professional at governed and legal sanctioned na karera,” sambit ng aktor/public servant.

Bukod sa car racing, balik-acting din si Jom at mag-uumpisa na siya ng shooting sa December. Gaganap siyang politiko sa serye ni Erik Matti, na pang-international release.

Ilan sa memorable films ni Jom bilang isang magaling na actor ang The Healing, Ikaw ang Pag-ibig, Sigaw, Minsan Pa, Gatas… Sa Dibdib Ng Kaaway, Bulaklak ng Maynila, Sambahin Ang Ngalan Mo, Sa Pusod ng Dagat, Diliryo, at iba pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Winnie Cordero Amy Perez

Tita Winnie, Tyang Amy masaya, pressured sa balik-Teleradyo 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAGKAHALONG saya at lungkot ang naramdaman kapwa nina Winnie Cordero at Amy Perez sa …