IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang state of calamity sa mga rehiyon ng CALABARZON at Bicol sa Luzon, Western Visayas sa Visayas, at sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM) sa Mindanao.
Alinsunod ito sa nilagdaan niyang Proclamation No. 84 na tatagal sa loob ng anim na buwan maliban kung ipawawalang bisa nang mas maaga ni FM Jr.
Maaaring isailalim sa state of calamity ang ibang lugar matapos ang post-storm damage assessments.
Tinatayang aabot sa mahigit 1.4 milyon katao mula sa apat na rehiyon ang naapektohan ng paghagupit ng bagyong Paeng, ayon sa Malacañang. (ROSE NOVENARIO)