Friday , November 15 2024
Lunod, Drown
Lunod, Drown

Sa Sta. Maria, Bulacan
BANGKAY NG BINATANG NALUNOD SA ILOG NATAGPUAN NA

MAKALIPAS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan ng mga awtoridad nitong Martes ng umaga, 1 Nobyembre, ang bangkay ng isang binatang nalunod sa ilog sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, noong Linggo ng hapon, 30 Oktubre.

Ayon kay Konsehal Jess De Guzman ng Sta.Maria at siyang nanguna sa isinagawang search and retrieval operation, dakong 9:30 am kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang kinilalang si Dave Roldan Constantino, 19 anyos, residente sa Brgy. San Jose Patag, sa naturang bayan.

Natagpuan ang inaanod na bangkay ng biktima sa bahagi ng Paso Bagbaguin, halos tatlong kilometro ang layo, kung saan siya nalunod sa tulay ng Macaiban.

Sa ulat mula sa mga tauhan ng Sta. Maria MPS, dakong 2:00 pm noong Linggo nang tangkain ng biktima at tatlong kasama na tawirin ang Macaiban Bridge ng Sta. Maria River na noon ay nakalubog sa baha ngunit sinawing palad na siya ay matangay ng malakas na agos sa ilog.

Tinangkang sagipin ng mga kasama at ilang residente sa lugar ang biktima ngunit hindi na nila nagawa pa hanggang tuluyang lamunin sa malalim na bahagi ng ilog at tuluyang mawala sa kanilang paningin.

Dalawang araw na nagtulong-tulong ang mga tauhan ng Sta. Maria MDRRMO, Sta. Maria MPS, Philippine Army, at Philippine Coast Guard sa paggalugad sa bahagi ng Sta. Maria River hanggang matagpuan ang labi ng biktima. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …