Tuesday , May 13 2025
Lunod, Drown
Lunod, Drown

Sa Sta. Maria, Bulacan
BANGKAY NG BINATANG NALUNOD SA ILOG NATAGPUAN NA

MAKALIPAS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan ng mga awtoridad nitong Martes ng umaga, 1 Nobyembre, ang bangkay ng isang binatang nalunod sa ilog sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, noong Linggo ng hapon, 30 Oktubre.

Ayon kay Konsehal Jess De Guzman ng Sta.Maria at siyang nanguna sa isinagawang search and retrieval operation, dakong 9:30 am kahapon nang matagpuan ang bangkay ng biktimang kinilalang si Dave Roldan Constantino, 19 anyos, residente sa Brgy. San Jose Patag, sa naturang bayan.

Natagpuan ang inaanod na bangkay ng biktima sa bahagi ng Paso Bagbaguin, halos tatlong kilometro ang layo, kung saan siya nalunod sa tulay ng Macaiban.

Sa ulat mula sa mga tauhan ng Sta. Maria MPS, dakong 2:00 pm noong Linggo nang tangkain ng biktima at tatlong kasama na tawirin ang Macaiban Bridge ng Sta. Maria River na noon ay nakalubog sa baha ngunit sinawing palad na siya ay matangay ng malakas na agos sa ilog.

Tinangkang sagipin ng mga kasama at ilang residente sa lugar ang biktima ngunit hindi na nila nagawa pa hanggang tuluyang lamunin sa malalim na bahagi ng ilog at tuluyang mawala sa kanilang paningin.

Dalawang araw na nagtulong-tulong ang mga tauhan ng Sta. Maria MDRRMO, Sta. Maria MPS, Philippine Army, at Philippine Coast Guard sa paggalugad sa bahagi ng Sta. Maria River hanggang matagpuan ang labi ng biktima. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Arrest Posas Handcuff

Trike driver huli sa pang-aabuso

KULONG ang isang tricycle driver na nasentensiyahan ng kasong child abuse matapos malambat ng Navotas …

QCPD Quezon City

Nagpasabog sa QC spa arestado

NAARESTO ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa apat na suspek na sangkot …

Atty Lorna Kapunan

Katulad ng pagpili ng yaya ng anak
BUMOTO NANG TAMA – KAPUNAN

IBOTO ang tamang lider ng bayan, hindi ang mga kandidato ni VP Sara Duterte na …

Amenah Pangandaman BBM Bongbong Marcos

Sa utos ni PBBM
DBM SEC. PANGANDAMAN APRUB SA MAS MATAAS NA HONORARIA PARA SA MGA GURO, POLL OFFICERS

MASAYANG ibinalita ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman, batay …