Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gomez

Marco Gomez, pinakamahirap na project ang pelikulang Mamasapano

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO ang hunk actor na si Marco Gomez na dream movie niya ang ukol sa SAF 44 na pinamagatang Mamasapano ng Borracho Film Productions ni Atty. Ferdie Topacio.

Tampok dito sina Edu Manzano, Gerald Santos, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, at iba pa.

Isa si Marco sa natuwa nang makapasok ito sa darating na Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa Dec. 25.

“I’m so happy po na ang movie namin ay nakapasok sa MMFF na magaganap this December,” panimula ni Marco.

Pahayag ng aktor, “Ako po rito si Reniedo, isa ako sa SAF 44 na napatay.

“Nag-enjoy po ako sa pelikulang ito dahil gusto ko talagang makagawa ng action film. Super-mahirap, ito talaga ang pinakamahirap na project na nagawa ko sa lahat ng movies… kasi all those sweat and tears, nandoon lahat sa movie and nag-training talaga kami para sa movie na ito.”

Si Marco na lumaki sa Austria ay isang martial arts black belter. Two years old pa lang, papuntang three years old ay tinuruan na siya ng tatay niya ng self defense dahil martial arts expert ang dad niya na may sariling martial arts school sa Austria.

Isa pang pelikulang kaabang-abang kay Marco ay ang Sean de Guzman starrer titled Fall Guy ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions, mula sa pamamahala ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Ang iba pang cast ng Fall Guy ay sina Shamaine Buencamino, Glydel Mercado, Tina Paner, Jim Pebanco, Vance Larena, Cloe Barreto, Quinn Carrillo, Karl Aquino, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Hershie de Leon, at Itan Rosales.

Bukod sa pagsabak sa action movies, gusto rin niyang magkaroon ng puwang as a singer sa mundo ng showbiz.

“Sana I’ll get more action films and also ma-recognize rin ako sa music business. Kasi, this is also one of my dreams, na maging performing artist dito sa Filipinas, bukod sa acting,” sambit ni Marco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

Ice Seguerra Being Ice

Ice Seguerra’s Being Ice: Live! mapapanood sa New Frontier

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISANG one-night-only homecoming show ang muling ibabalik ni Ice Seguerra matapos mapanood at …

Im Perfect Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo

Sylvia ‘di nagdalawang isip sugod agad sa I’m Perfect; Joey Marquez umiyak sa unang araw ng shoot

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez AMINADO si direk Sigrid Andrea Bernardo, direktor at sumulat ng I’m Perfect, isa sa walong …