Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marc Cubales pageant

Sexy pageant competitionginastusan

HARD TALK
ni Pilar Mateo

ANG intensiyon ng nagpapa-ingay ngayon sa kanyang Cosmo Manila 2022 na si Marc Cubales ay, “Una sa lahat dahil balik naman na tayo sa normal, nauuso na uli ‘yung sexy pageant competition. So, bilang producer gusto ko mauna na mag-produce at maunang magbalik ng bikini pageant sa mas magandang venue.

At higit sa lahat para makatulong at magbigay saya na rin sa mga agent at models ng sexy pageant show.

“’Yung pakiramdam naman na nakapagbibigag ng work though producing is good at  maraming masisipag at kilala tayong mga kaibigan na when it comes to production sobrang gagaling at honestly, ramdam ko ‘yung dedication nila sa work. So deserve nila talaga na bumalik at magkaroon uli ng opportunity na gumawa ng isang quality pageant like Cosmo Manila.”

Nasaksihan ng media ang kumbaga eh, launch ng paligsahan sa Cosmo Manila 2022 na gaganapin sa Skydome sa SM North EDSA sa Nobyembre 5, 2022.

Natapos na rin kasi ni Marc ang pelikulang Finding Daddy Blake at ikinakasa na ang kasunod pa.

Sa mga kandidata (male and female) na iprinisinta sa Le Rêve kamakailan, hinirang na Darling of the Press sina  Nash Mendoza at Sahara Cruz.

Kabilang sa.official candidates ng Cosmo Manila Queen 2022 sina:

1.Jane Usison 

2.Khat Gonzales 

3.Claire Ramos

4.Sahara  Cruz 

5.Ver Johansson

6.Aya Valdez

7.Jannah Garcia

8.Milka Gonzales

9.Anita Gomez

10.Arianne  Villareal

11.Jasmine Benigno Castro

12.Airah Graciela 

13.Dimpol Ortega 

14.Mae Burgos

15.Neah Cassandra  Aguilar

16.Morena Carlos

17.Deberly Bangcore

At ang Official Male Candidates naman ay sina:

1.Hawkin Madrid

2.Paul Jiggs Venturero

3.David  Soledad

4.Christian Villarin

5.Nash Mendoza

6.Aaron Moreno

7.John Zafe 

8.SimOn Abrenica

9.Hanz Vergara 

10.Jovy Angel

11.Ivan Bonifacio 

12.Ronie Palermo 

13.Yael  Del Rosario 

14.Ronniel Absalud 

15.Allen Ong Molina

Nagpapasalamat si Marc at ang kanyang Cosmo Foundation: Gintong Palad & Balikatan Foundation sa mga sumusunod: Beautederm; Dr. Ramon Ramos, President and Chief Executive Officer , Imus Institute Inc and Imus Institute of Science and Technology Cavite; Erase Beauty Care; Bioessence Skin Care Services; Frontrow at marami pang iba.

Ginastusan talaga ni Marc ang naturang proyekto. Sa panahon ng pandemya, marami siyang ginustong matulungan. Kaya naman naisip niya na ganito na ang mga gagawin  niya para buhos na buhos ang pagtulong sa mas nakararami sa pagbibigay niya ng trabaho sa mga nasa produksiyon at sa mapasasaya naman niya sa mga mananalo sa naturang paligsahan.

Magwawagi bg P200k ang tatanghaling mga bagong Risqué Runway Models.

Nagkagulo na ang press sa kanya-kanyang bets sa Darling of the Press na itinanghal sina Nash at Sahara. ‘Yun pa rin kaya ang kapalaran nila, come November 5? 

Oo, mananalo sila ng malalaking premyo.

Sa Press Night ni Marc, katakot-takot na pasabog na ang ginawa nito sa pag-ulan ng cash and appliances!

Tama ba, wala naman itong joining fee, ano!? 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …