Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carrillo Rob Guinto Showroom

Quinn Carrillo, proud sa kanilang Vivamax movie na Showroom

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TAMPOK sina Quinn Carrillo at Rob Guinto sa Vivamax movie na pinamagatang Showroom.

Mula sa pamamahala ni Direk Carlo Obispo, ang pelikula ay isang sexy-drama movie na ayon kay Quinn, sumasalamin sa reyalidad na nagpapakita kung ano ang magagawa ng mga tao, kapag nasa sitwasyon na gipit na gipit at animo desperado nang makamit ang mga minimithing pangarap sa buhay. 

Bukod sa isa sa lead casts nito, si Quinn din ang sumulat ng Showroom.

Inusisa namin ang aktres/writer sa papel na ginampanan niya sa pelikula?

Esplika ni Quinn, “Ang ipino-portray kong papel ay si Liezel, isa po akong condo sales agent na kayang gawin ang lahat, makamit lang ang gusto niyang luxury life. So, abangan po natin kung ano ang mga gagawin niya, para lang makuha ang buhay na gusto niya.”

Sa movie bang ito, gusto niyang ang mas mapansin ay ang acting o performance nila sa pelikula, kaysa mga sexy scenes dito?

“Yes po, feeling ko naman in this film, hindi naman din magfo-fcus lang talaga sa mga intimate scene. Although marami, pero ‘yung execution talaga ni direk Carlo ay magfo-focus ka po talaga sa story, rather than intimate scene.

“And lahat naman po ng mga sexy scenes na ginawa namin is very related to the story, kailangan po talaga sa mismong eksena at hindi iyong mga tipong basta inilagay lang sa pelikula.

“So I think, it will work, sobrang ma-a-appreciate ng viewers ang story and the actors, rather than the intimate scene itself,” sambit ni Quinn.

Ang pelikula ay mula sa 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at ng Viva Films. Kasama nila rito sina Kit Thompson,  Emilio Garcia, Paolo Rivero, AJ Oteyza, Itan Rosales, Nico Loco, AC Carrillo, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …