Friday , November 15 2024
Bulacan PCEDO

Natatanging kooperatiba sa Bulacan kikilalanin

BILANG bahagi ng buong buwang pagdiriwang ng Cooperative Month, kikilalanin ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) ang mga katangi-tanging nagawa ng mga kooperatiba at mga kontribusyon nito sa lokal na ekonomiya sa programang “Gawad Galing Kooperatiba Awards” na gaganapin sa darating na Biyernes, 28 Oktubre, ganap na 3:00 pm sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos.

Ayon kay Atty. Jayric Amil, concurrent head ng PCEDO, magkakaroon ng isang GGK winner base sa mga asset sa bawat kategorya kabilang na ang micro-scale, small-scale, medium scale, at large scale na ang bawat entry ay susuriin ayon sa performance sa apat na aspekto kabilang ang organizational/institutional development, management, financial management, at participation in community development.

Ang mga kooperatiba na ginawaran ng GGK sa nakalipas na tatlong taon ay gagawaran din ng Hall of Fame Award habang ang Coop-ACE (Awards for Continuing Excellence) ay ibibigay sa mga kooperatiba na ginawaran ng Hall of Fame Award sa huling limang taon.

Ipagkakaloob rin ang Special Citation sa mga pangunahing kooperatiba na nagpamalas ng kahusayan sa alinman sa apat na aspekto ng batayan.

Samantala, ipinahayag ni Gob. Daniel Fernando na ang pagtatatag ng marami pang mga kooperatiba sa lalawigan ay malaking tulong sa mga Bulakenyong nais magsimula ng sarili nilang pagkakakitaan.

“Isa po sa nais pagtuunan ng inyong lingkod ang pagpapalakas ng mga kooperatiba dito sa ating lalawigan. Marami po ang matutulungan dito lalo na ang mga kalalawigan natin na nais magsimula ng kanilang sariling hanapbuhay. Patuloy din po ang panghihikayat natin sa malalaking mga organisasyon na magtaguyod ng kani-kanilang kooperatiba, na tutulungan ng Damayang Filipino at bibigyan ng initial fund para panimula,” ani Fernando. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …