Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carl Balita Siglo ng Kalinga

Dr. Carl Balita, pinaghahandaan na ang pelikulang Siglo ng Kalinga

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISANG mahalaga at kaabang-abang na pelikula na mayroong all-nurse cast ang nagkaroon ng launching last October 9 na ginanap sa PNA courtyard sa Ermita, Manila.

Pinamagatang Siglo ng Kalinga, ang pelikula ay inspired sa buhay ni Anastacia Giron Tupas, na siyang nagtatag ng Filipino Nurses Association noong 1922. Ang FNA ay naging PNA, years later.

Layon nito ang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association.

Ang proyekto ay sa pangunguna ni Dr. Carl E. Balita at dito’y nabanggit niyang ang sariling movie production company na Dr. Carl Balita Productions (CBP) ang magpoprodyus ng pelikula, in cooperation with the PNA, na nananatili siyang isang active member.

Ang pelikula ay pamamahalaan ni Direk Lemuel C. Lorca at sa pagkakaalam namin ay nagkaroon ito ng auditions, recently.

Paano nabuo ang proyektong ito?

Esplika ni Dr. Carl, “Ang PNA (Philippine Nurses Association) is celebrating it’s 100 years – so ano, centennial… and we would like to immortalize the stories of the nurses, especially in the middle of this pandemic and that became the inspiration to us to immortalize the celebration, thru a film.”

Nabanggit din niya kung bakit sila nag-decide na maging all nurse cast ang naturang pelikula.

Aniya, “Kasi baka hindi ninyo alam, talented ang mga nurses. Sa akin, I’d like to put the spotlight on these actresses who are potential stars. Malay n’yo thru this film, may mag-emerge na isang Best Actress and Best Actor na nurse, we would love that.”

Magkakaroon ito ng world premiere dahil ayon kay Dr. Carl, “Actually we would have a world premiere nitong movie, don’t forget that many of our nurses are overseas.”

Nabanggit ni Dr. Carl na iimbitahan daw nila ang mga celebrity nurses natin na tulad nina Rocco Nacino, Kuh Ledesma, Princess Punzalan, Carol Banawa, at iba pa kung interesado silang maging bahagi ng pelikulang ito.

Ang award-winning actress na si Angeli Bayani ang magwo-workshop sa mga mapipiling bida at bahagi ng casts ng naturang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …