Friday , November 15 2024
gun dead

Anak binaril ng ama, patay retiradong pulis arestado

DINAKIP ng mga awtoridad nitong Lunes, 24 Oktubre ang isang retiradong pulis na inakusahang binaril ang sariling anak matapos ang matinding sagutan sa kanilang bahay sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ronaldo Lumactod, hepe ng San Jose del Monte CPS, kinilala ang suspek na si Enrique Galapate, 62 anyos, inaresto sa kanilang bahay sa Brgy. Narra, matapos maiulat ang insidente sa kanilang tanggapan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, si Galapate at ang kanyang anak na si Erickson Galapate, 26 anyos, isang security guard, ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo habang nag-iinuman dakong 11:30 pm nitong Linggo, 23 Oktubre.

Ayon kay P/Lt. Col. Lumactod, ugali umano ng matandang Galapate na kapag nalalasing at habang sila ay nag-iinuman ay inaakusahan ang anak na magnanakaw na humantong sa mainit na palitan nila ng salita.

Nabatid, sa gitna ng pagtatalo ay kinuha ng retiradong pulis ang kanyang baril matapos sumagot sa kanya ang anak saka niya binaril nang dalawang beses sa ulo na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nakompiska mula sa suspek ang isang 9mm pistol na ginamit sa pamamaril at natuklasan na ito ay may PNP marking ngunit may defaced serial number. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …