Wednesday , May 14 2025
fire sunog bombero

2 bata patay sa sunog

DALAWANG BATA ang namatay matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Valenzuela City Fire District Director F/Supt. Anamie Legaste, ang magkapatid na sina  si Jhenea Macey Eucacio, 9 anyos, at ang kanyang kapatid na si Jeana Cassy, ay napaulat na na-trapped sa loob ng kanilang nasusunog na bahay sa Urrutia St., Brgy. Gen. T. De Leon.

Sa ulat, dakong 8:00 am, nang biglang sumiklab ang sunog sa dalawang palapag na bahay ni Marilen Manuel, tiyahin ng mga biktima, at mabilis na kumalat ang apoy sa katabing bahay ni Lenie Rose Eucacion, ina ng mga biktima.

Ani F/Supt. Legaste, umabot ang sunog sa ikalawang alarma bago tuluyang naapula ng mga tauhan ng pamatay sunog dakong 8:44 am.

Patuloy ang follow-up investigation ng Arson investigators upang matukoy kung ano ang pinagmulan ng sunog habang inaalam kung magkano ang halaga ng ari-ariang natupok sa sunog. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …