Monday , December 23 2024
Quarry Quarrying

Mining, quarrying sa Bulacan pansamanatlang ipinagpaliban

SA isang follow-up meeting kasama ang sektor ng pagmimina na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, sa lungsod ng Malolos, lalalawign ng Bulacan, nitong Huwebes, 20 Oktubre, inihayag ni Gob. Daniel Fernando na pansamantalang ipagpapaliban ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pagpapatupad sa Executive Order No. 21-2022 sa 26 Oktubre na nagsususpendi sa pagmimina at pagka-quarry sa lalawigan.

Aniya, maaari nang magpatuloy ang mga nasa sektor ng pagmimina sa mga quarrying operation alinsunod sa mga alituntunin na ibinigay ng Bulacan Environment and Natural Resources Office (BENRO) na ang mga aplikante at existing holders ng special, quarry, at iba pang katulad na permit ay binigyan ng bago at modified na mga alituntunin patungkol sa environmental sustainability ng kanilang mga operasyon kabilang ang haulers, blasting companies, processing plants, cement companies, at bentonite operators.

“Ginagawa na rin ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansa hinggil sa overloading at quarrying,” dagdag ng gobernador.

“Temporarily, I will resume the lifting of temporary suspension by October 26. Ibig sabihin, kaya ko sinabing temporary, hindi ko bibigyan ng tuldok na regular or permanent because ginagawa pa ng Sangguniang Panlalawigan ngayon ang ordinance ng overloading at pati ‘yung sa illegal quarrying. Iyon ang hihintayin natin at magre-resume tayo sa pagiging regular at permanent,” ani Fernando.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng pinuno ng BENRO na si Atty. Julius Victor Degala, Umaasa siyang magkaroon ng win-win situation para sa pamahalaang panlalawigan at ng sektor ng pagmimina.

“Panalangin ko pong maging madiplomasiya ang pagpupulong na ito nang sa ganoon ay makahanap tayo ng win-win solution; panatag ang loob ng pamahalaang panlalawigan na hindi tuluyang mawawasak ang inang kalikasan; pumasok ang kita sa kaban ng bayan, at ang sektor ng pagmimina ay makapaghanapbuhay nang matiwasay dahil legal at dokumentado ang lahat ng ginagawa. Sa sektor ng pagmimina, hindi po tayo magkaaway, tayo po ay magkapartner,” ani Degala.

Iginiit ni Fernando, kapag nakahuli sila ng isa hanggang tatlong indibidwal o mga kompanya na hindi sumusunod sa mga tuntunin at regulasyon, muling ipatutupad ng pamahalaang panlalawigan ang quarrying ban, tiyak na makaaapekto sa mga nasa sektor ng pagmimina.

Mahigpit din silang pinaalalahanan, huwag suhulan ang sinoman kabilang na siya at ang mga watchman para makamit ang layunin ng pagpapatupad ng E.O. 21-2022.

“Ito po ang tatandaan ninyo. Kapag ni-lift ko ito (EO.21-2022), huwag kayong maglalagay at magbibigay ng kotong kahit na kanino na nanghihingi sa inyo. Kapag nalaman ko ‘yan, pati ikaw na nagbigay ay apektado. Gusto ko na kumita kayo nang husto, huwag kayong magbibigay, kahit iyong mga watchman, isumbong ninyo sa akin. Ang mahalaga, be a responsible miner, be responsible to our environment. Please do not tolerate them. Kasi hindi po tayo maaayos kapag ganyan at ipinagpatuloy ang ganito,” pakiusap ng People’s Governor. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …